Sa ngayon na napapasailalim na sa Enhanced Community Quarantine ang maraming lugar dito sa ating bansa, isa sa kinokonsiderang mga bayani natin sa panahong ito ay ang mga delivery riders kagaya na lamang ng nagtatrabaho sa Grab Food, Food Panda at iba pa.
Ngunit, masaklap mang isipin ay mayroon pa rin tayong mga kababayan na mistula ay wala man lamang konsiderasyon sa mga taong ito na isinasakripisyo ang peligro ng kanilang mga buhay para lamang makapagserbisyo sa kapwa.
Isang Grab Food rider ang netizen na si Yenyen Catiloc na kailan lang ay naging trending dahil sa kanyang mga larawan sa labas ng isang building na kumakain ng pagkain mula sa isang sikat na fast food chain. Ang umantig sa mga netizens ay ang isang kuha kung saan mistulang nagpapahid ng luha si Catiloc.
Ngunit ayon sa kanya hindi naman siya naluluha. Pagod lang talaga siya at napakainit ng araw na iyon.
Dito na at marami ang nagduda na baka nga raw ay isang nakanselang order ang kinakaing iyon ni Catiloc.
Bilang isang paglilinaw naman sa mga larawan, minabuti ng netizen na si Natdemzon Lazo Pagkanlungan na klaruhin ang pangyayari at dito nga niiya kinumpirma na kinansela nga ng customer ang naturang order sa Grab Food. Umabot raw ang halaga ng order sa PHP300.
Dagdag pa niya, sagot naman daw ng kumpanya ng Grab ang mga kanseladong order gaya nito ngunit malayo ang opisina at hindi pala ganun kadali ang proseso para maibalik agad ang inabono ng rider.
Araw-araw ay maraming mga grab rider ang nagkakaproblema sa kanilang mga bookings kaya minsan ay wala na silang pagpipili-an pa kundi ang ipag-pasa Diyos na lamang ang mga pangyayari.
Nakakalungkot na ang mga taong kagaya ni Catiloc ay kailangan pang magdusa sa mga pangyayaring ito na hindi naman nila kontrolado. Bilang mga mamamayan, sana ay magng responsable rin tayo sa mga bagay na ginagawa natin lao na kung alam nating mayroon tayong mga taong na-aagrabyado sa ating mga desisyon.
Comments
Post a Comment